Tuesday, November 8, 2011

aking talambuhay

"WILFRED DISIMULACION"
aking talambuhay

Bawat nilikha ng diyos ay mahalaga,
sa kanyang paningin pawang maganda,
kabihisan na ibinihis sa sanglibutan,
pagpapala na kanyang inilaan.

Isang buhay ang nasulat,
nadagdag sa mundong ibabaw,
habag at pagpapala ditoy inilaan,
pagsama at gabay ay pawang inilaan.

Tunay ang buhay ay puno ng saya,
puno ng sigla,
walang isipin at suliranin,
tanging ikaw lang ang syang tagatingin.

Tagamasid, tagasubaybay,
ikaw na siyang gabay,
kaibigan na tunay,
tanglaw sa landas ng buhay.

Ngunit sadyang pinahihintulot,
lubhang dapat maranasan,
mga bagay na negatibo,
halos mag-isa na sa buhay.

Dumating sa punto at anyo,
ng buhay na mag-isa sa kawalan,
ang maulila at mawalan ng minamahal na ama,
at paglisan ni ina upang pumunta sa ibang bayan.

Naiwang mag isa sa lugar na dako,
sa isla kasama ni lola,
kaagapay si lolo sa buhay,
at mga tito at tita na laging nariyan.

May malas nga ba sa mundo?
O puro swerte daw ang hatid?
Maging lagi bang magtitiis?
Sa mga dusa at hinagpis.

Lumaki sa aking lolo at lola,
sila ang ibinigay ng maykapal,
upang umaruga sa isang bata,
na mag isa nalang walang kasama.

Pinalaki sa kagandahang asal,
kahit ang buhay ay may kahirapan,
inilaban, inaruga at inalagaan,
sa pagsama ng anghel dela guwardiya.

Lumaki sa sambahan ng maranatha,
doon nakilala bugtong na anak,
roon naranasan banal na prisensya,
at nakatagpo ang diyos aking ama.

Ang bundok ang naging pasyalan,
ang tubig ang naging pinagkukunan,
simpleng buhay kumbaga,
na bigay ng diyos aking ama.

Pag ahon sa bundok akoy sinanay,
mumunting bata palang ay kasakasama na,
tunay sa mataas na bundok na iyan,
ang aming panalangin ang dala sa tuwina.

Ang pagluhod sa bundok,
tangan ang mga pasasalamat,
dala ang papurit pagsamba,
para sa kataas-taasang panginoon.

Habang lumalaki akong bata,
disiplina at kaayusan laging pinatutupad,
ang kaayusan para maging mabuting bata,
sa hinaharap naaalaala bilin ni tatay.

Lumipas ang araw,
ang linggo,
ang buwan,
maging ang taon.

Ngayon akoy malaki na,
hustong gulang ngayoy sapat na,
naging binata sa isip at salita,
aking gawa at nais iniwan na ang pagkabata.

Natutong tumugtog sa diyos,
inialay ang sarili sa kanya,
isang buhay na kaayaaya,
paglilingkod ko at buhay sa kanya nakaasa.

Tulad ng pangitain ng aming relihiyon,
ang krusada ang nakita,
pumupunta sa bawat bayan,
upang magdala ng mabuting balita.

Sa aking pagiging kabataan,
minsay nalugmok at nahiwalay,
sa daan ng katotohanan ng buhay,
nawala ang init sa paglilingkod.

Napadpad sa lugar ng batingan,
nagkaroon ng bahay at lupa,
mula sa isla napunta ng bayan,
sabik maranasan mga hindi nagawang bagay.

Halos iba't-ibang paaralan aking pinasukan,
natutuhang magsugal, maginom,
manigarilyo at mambabae,
lahat na ata ng bisyo ay natikman na.

Dumaan ang panahon at oras,
sa araw-araw ang puso ay masaya,
ang pita ng laman ay sayang-saya,
ninanamnam mga kasalanan kasama ang mga liko.

Sa bawat inuman akoy naroon,
isang tawag ng kaibigan akoy paroon,
gawa ng kasalanan akoy siyang-siya,
hindi mapigilan galak na dala.

Sa init ng kasiyahan,
sa saliw ng tugtog ng sanlibutan,
sa indak at sayaw ng mundo,
ako'y sadyang aliw na aliw sa mga ito.

Ngunit lahat ng kasiyahan ay may katapusan,
may pagtatapos mga tunog,
may pagtatapos ang mga kanta,
at may katapusan ang lahat ng bagay.

Sa mga bagay patungo sa kasalanan,
mga masamang gawa tangan padin,
hindi na maalis sa puso,
hanap at nais ng laman.

Isang hating gabi sa mahimbing na pagtulog,
may isang ingay na malakas,
na tunog aking nadinig,
malakas na pagpupuri sa diyos.

Hindi nakuha ang aking atensiyon,
tuloy parin ang ligaya,
rock and roll padin ang aking musika,
sigarilyo at alak padin hanap ng bibig.

Dumating sa punto kahit na may asawa,
aking nakarelasyon at nakasama,
puro kasiyahan sa piling nila,
halos lahat ay may asawa na at anak.

Tunay na ang prisensiya moy malayo na,
totoong wala na talaga,
ang banal na espiritu akoy iniwan na,
aking anghel nilayuan na.

Lumipas mga taon ganoon padin sitwasyon,
di' makaalis-alis sa ganoong senaryo,
halos ang sarili lugmok na,
ang pagkatao ni hindi na kilala.

Pumasok sa aking isip sa kinagabihan,
humiga at natulog ng mahimbing,
pagdaka'y malakas at dumadagundong,
musika ng pagpupuri aking naririnig.

Dagling napabalikwas napaupo,
mapahawak ang dalawang palad,
sadyang napatulala nga,
at pagdaka'y bumagsak ang luha sa aking mga mata.

Hindi maipaliwanag ang naganap,
sa tuwina'y ginigising,
gabi-gabi'y di' winawaglit,
sa lahat at punto ng buhay gustong mahalin.

Ang tinig ng pagpupuri,
awit ng pagsamba sa banal,
pagsamba nadama ng kapaligiran,
at ang salitang MAHAL KITA.

Akoy napaluhod na di' mawari,
maging ang kaluluwa koy lumuhod,
nagpatirapa ang puso,
at sumamba aking espiritu.

Sa kabila ng mga pagtalikod,
sa mga masamang ginawa,
at mga kasalanang sayo nagawa,
nandiyan kaparin aking tapat na diyos.

Hindi mo ako iniwan ni' pinabayaan,
hindi mo ako nilimot,
maging kaluluwa mapunta sa dagat na apoy.

Doo'y akoy taos pusong dumalangin,
panalangin ng pagsisisi,
dasal ng pagsusumamo,
dalangin upang patawarin.

Sa aking pagmulat aking nakita,
namasdan iyong kagandahan,
mula pa noong una,
mula sa wala patungong buhay na walang hanggan.

Tulad sa isang alibughang anak,
hindi nawalay ang iyong pagsama,
hindi nawala ang pag-ibig,
maging pag-gabay at pang-unawa.

Bumalik na minsan pa,
ang init ng dating paglilingkod,
ang banal na apoy sa aking musika,
at ang unawa sa iyong kamangha-manghang gawa.

Kasama-sama na ulit sa pangitain,
sa mga bawat krusada,
sa bawat lugar na pagsusuguan,
lumalakad ngayon sa pagsunod.

Sa pagsunod ay may kapangyarihan,
ito ang pagkalikha ng diyos,
isang disensyo ng mabuting panginoon,
na may banal na espiritu na kasa-kasama.

Pananampalataya at unawa ay kasama,
tangan mga salita ng buhay,
aklat ng buhay pangalan ay inilista,
panghahawakan mga pangako mo sa tuwi-tuwina.

Salamat sayo nagiisang diyos,
salamat sayo nagiisang panginoong hesus,
salamat nagiisang banal na espiritu,
ako at aking buong sambahayan ay maglilingkod sa iyo. AMEN